Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 BJMP-Dagupan COVID positive

0 119

Nasa 30 empleyado at inmate umano ng Bureau of Jail Management and Penology-Dagupan City, Pangasinan ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Base sa report ng PHO, nahawa ang mga ito sa isang COVID-19 patient na empleyado ng BJMP sa lungsod. Dagdag nito, mahigit na 20 katao na nagmula sa female dorm ng BJMP ang kasama sa nagposiibo sa nasabing virus.

Karamihan naman umano sa mga pasyente ay asymptomatic o walang sintomas.

Sinabi ng city’s local government unit na ito umano ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kaso ng COVID-19 loob ng BJMP facility sa buong Region 1. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.