Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30% capacity ng mga simbahan puwede sa GCQ

0 185

Pinapayagan na ang 30 porsiyentong seating capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Sec. Menardo Guevarra, ang mga lugar lamang na nasa modified enhanced community quarantine o MECQ ang may maximum 10% seating capacity na pinapayagan.

Pero ngayong nasa ilalim na ng GCQ “with heightened restrictions” ang National Capital Region, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan o NCR Plus ay hanggang 30% ang seating capacity na maaari sa mga simbahan hanggang Mayo 31.

Sa kasalukuyang rules ay 10% ang pinapayagang seating capacity sa mga GCQ area.

“It was just a case of plain oversight, I believe,” paliwanag ni Guevarra.

“Certain church groups and even the NCR mayors have noted this, so the TWG (technical working group) of the IATF (Inter-Agency Task Force) will review the resolution and submit its recommendation. I believe that this oversight will promptly be rectified,” dagdag niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.