Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 Chinese nag-KTV, tiniketan lang

0 135

Nasa 30 Chinese national ang sabay-sabay na dinampot ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa pagsasagawa ng mass gathering at nakitang mga walang suot na face mask, face shield at hindi ipinatupad ang social distancing sa loob ng isang KTV bar sa Barangay Pio del Pilar, Makati City, Sabado ng madaling araw.

Mismong sa loob ng establisimyento tinikitan ng mga tauhan ng Makati City Public Safety Department ang mga nahuling Chinese kung saan kinumpiska ang ID ng mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Rolando Borbor ng Makati Public Safety Department, paglabag sa physical distancing lamang ang isinampa sa mga nahuling mga dayuhan dahil pawang mga nasa loob naman sila ng gusali nang maaresto.

Nilinaw pa ni Borbor na hindi tumupad sa tamang health protocols ang mga Chinese nationals na nagkaroon ng kasiyahan sa loob ng isang gusali.

Kailangan lamang nilang magbayad ng multa para sa paglabag sa physical distancing. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.