Abante Tonite Interactive

30% ng mga Pinoy na nakatakas sa kahirapan ikinatuwa ng Malacañang

By
1,706

Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na isa sa tatlong pamilyang Filipino ay nakatakas na sa kahirapan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na resulta ito ng mga pagsisikap ng administrasyong Duterte na maiahon ang mga Filipino sa kahirapan sa pamamagitan ng mga programang inilarga ng gobyerno.

Hangad aniya ng administrasyon na maramdaman ng mga Filipino ang bunga ng lumala­gong ekonomiya para mabawasan ang kahirapan sa bansa.

“We welcome the latest Social Weather Stations (SWS) report showing one out of three, or 30%, of Filipino families escaped poverty. The Duterte administration, as we all know, has espoused inclusive, sustainable and resilient growth. We have broadened access to free education, medicine and healthcare and other basic services to ensure that our people directly benefit from the country’s economic gains while reducing the vulnerability of families through our conditional cash transfer programs and employment facilitation and micro enterprise projects,” ani Roque.

Ipagpapatuloy aniya ng administrasyon ang mga programang pangmahihirap at pagpapalawak sa mga oportunidad sa aspeto ng ekonomiya para mabigyan ng kumportableng buhay ang bawat Filipino.

“Rest assured that we will continue to reduce inequality, expand economic opportunities, and lay down the foundation of a comfortable life for everyone,” ­dagdag pa ni Roque.