Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 pamilya malapit sa Fabella nasunugan

0 72

May 30 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na sumiklab ang isang sunog sa isang residential area kahapon ng hapon sa Almeda St. Abad Santos malapit sa Fabella Hospital sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog alas-3:35 ng hapon na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fireout alas-6:52 ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog.

Patuloy namang inaalam ng Arson Division ang sanhi ng sunog at halaga nang napinsalang ari-arian. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.