Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 tinamaan ng COVID-19 sa shooting – Liza

0 319

NI:VINIA VIVAR

Nagpahayag ng pagkaalarma si FDCP (Film Development Council of the Philippines) chairperson Liza Dino sa lumalaking bilang ng positive COVID-19 cases among movie workers because of lock-in shoots.

Sa panayam ng ABS-CBN, ibinunyag ni Liza na tinatayang nasa 30 ang confirmed and suspected COVID-19 cases sa mga movie workers sa tatlong major shoots.

Kasalukuyan na raw na nakikipag-ugnayan ang FDCP sa mga workers at sa production companies involved. Magsasagawa raw ng imbestigasyon kung may mga violations sa protocols na naganap sa mga shootings na ito.

“Their collated statements of the workers will be forwarded to the Department of Labor and Employment (DOLE) with our fervent request to investigate possible violations urgently,” pahayag ni Liza sa nasabing panayam.

Sa kanyang Facebook post last Monday ay inihayag din ni Liza ang kanyang pagka-dismaya sa maling pagpapatupad ng health and safety protocols sa production.

Narito ang buong nilalaman ng FB post ni Liza:

“Di po ako pinapatulog ng mga reports na dumarating sa amin at nabababahala po ako sa sitwaston ng ilan sa mga workers natin ngayon.

“I am fully aware of the misconceptions na kumalat at patuloy pa ring pinagkakalat sa buong industriya tungkol sa FDCP nang dumulog kami sa DOLE at DOH para makipagtulungan sa pag-iissue ng health and safety guidelines para sa ating sektor. This has led to a lot of tension and has inevitably affected the way we are perceived now.

“Anuman po ang inyong naging interpretasyon, I am reiterating that the agency’s only goal, especially in this pandemic, is to protect our workers, assist productions in the conduct of safe filming, at siguraduhin ang partisipasyon ng mga government agencies na mangangalaga sa kapakanan ng ating industriya.

“We sought help because we cannot just go blindly about this. We need government intervention para maensure ang pagsunod nang lahat ng stakeholders- Mula workers, suppliers hanggang producers.

And true enough, Expectations versus Reality is drastically different. Months after this issue on the protocols blew up, challenges are presenting themselves.

“We have been receiving numerous COVID POSITIVE case reports sa loob ng film production in the last two weeks alone. Mga reports mula sa mga workers na natatakot dumulog dahil baka mawalan sila ng trabaho.

“Alam nyo naman po, baka mablack list po kami…” ang lagi nilang sinasabi.

“And in response to this, the FDCP has been diligently communicating with concerned parties— filing the complaints on their behalf and forwarding them to DOLE for their appropriate action. Ito ang ginagawa namin, araw-araw kung kinakailangan, para mabigyan ng aksyon ang kanilang mga hinaing. No matter how the dynamics are now, we are a government agency, and we have a duty to fulfill.

“To all production companies involved, pinapaalalahanan po namin na nasa PANDEMYA pa rin po tayo.

“While we understand na hindi biro ang gastos na kaakibat sa pagsunod sa mga protocols na ito, hindi rin po biro ang gastos sa bawat paglabag nito lalo na para sa mga manggagawang apektado at mahahawahan ng sakit. Kasama rin po ang mga crew at talents na pinapauwi nang walang bayad at di binibigyan ng karampatang kumpensasyon.

“Poor contract tracing measures can lead to an exponential number of people exposed to the virus hindi lang po sa loob ng produksyon pero pati po sa mga sari-sariling tahanan. May isang report kaming natanggap, umabot sa sixteen (16) ang nagpositive sa loob ng production. At sa kasamaang palad, ang nagreport, may covid na rin po ngayon.

Now more than ever, kailangan po nating magtulungan at iprioritize ang kaligtasan ng bawat isa.

“BUHAY PO ANG KAPALIT NG MALING PAGPAPATUPAD NG PROTOCOLS SA MGA SHOOTS.

“Kaya nakikiusap po ako, if there are confirmed covid positive cases within your productions, please do the necessary contact tracing protocols, medical attention to those infected, quarantine procedures for suspect cases and PUIs, proper disinfection of your production sites, and stop-work measures to make sure na safe po ang lahat bago po magresume ang trabaho.

“If you want to reach us, please call/text 0917- SAFE111 (723-3111) or email safefefilming@fdcp.ph. We can take your reports/complaints confidentially if you want to remain anonymous. Pwede rin pong derecho sa DOLE HOTLINE 1349.

“Wag na po nating hintaying may mamatay pang manggagawa dahil lang sa kapabayaan. Let’s look out for each other.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.