Abante Tonite Interactive

30 to 50% tapyas matrikula sa mga private school hinirit

0 320

Nanawagan si Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun sa mga pribadong eskuwelahan na bawasan ng 30 hanggang 50 porsiyentong ang kanilang tuition fee ngayong darating na pasukan.

Tinukoy ni Fortun na dahilan ng pagbabawas ay dahil na rin sa malaking kabawasan ng mga eskuwelahan sa kanilang gastusin dahil inaasahan nang online classes.

“Because classes will be largely on-line, schools will have substantial decrease in costs of electricity, water, fuel, office and school supplies and other materials. Hence, it is but just and fair to decrease in tuition, miscellaneous and other school fees,” ayon kay Fortun

Sinabi pa ng kongresista na mabigat man ang pagbabawas ngunit kailangan itong gawin upang mapanatili ng mga private school ang kanilang enrolment levels noong nakaraang taon at maging ang kanilang staff.

Kasabay nito, hiniling naman ng kongresista sa Bangko Sentral ng Pilipas (BSP ) na mag isyu ng regulasyon para mapababa ang halaga ng loans para sa mga eskuwelahan at sa salary loans ng mga guro. (Eralyn Prado)

Tonite – Wendys Inhouse Ad