Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 toneladang basura pinamana ng LSI sa Rizal stadium

0 357

Umabot sa may 30 toneladang basura ang nakolekta ng lokal na pamahalaan ng Maynila na iniwan sa Rizal Baseball Stadium ng mahigit 4,000 Locally Stranded Individuals (LSI).

Nagbigay umano ng direktiba si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tiyakin na magiging malinis ang stadium na inokupa ng libu-libong LSI.

Ayon kay Kenneth Amurao, hepe ng Manila City -Department of Public Service, naipon umano ang basura nang magsimulang magkanlong sa stadium ang mga LSU na nag-aantay na makauwi sa kani-kanilang lalawigan simula noong Hulyo 24.

Nalaman na may 2-araw umanong nilinis ng DPS ang stadium simula nitong Lunes at kahapon.

Nabatid na umabot sa 17 tonelada ng basura ang nakuha nitong Lunes habang 13 tonelada naman ang nahakot na basura kahapon mula alas 8 hanggang alas 10 ng umaga. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.