Abante Tonite Interactive

30 years kulong sa tumangay ng P40M ni Joel Cruz

By
2,566

“One for all, all for one,” ang pinanindigan nina Joel Cruz, Sunshine Cruz, Ynez Veneracion sa naganap na press conference sa mansion ng tinaguriang ‘The Lord of Scents’ sa Tagaytay.

Nagsampa ng estafa si Joel sa QC DOJ Prosecutor’s Office kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio laban sa Brunei-based Pinay businesswoman na si Katheyln Dupaya.

Ayon kay Atty. Topacio, posibleng 30 years na kulong ang katumbas ng 40 million estata case kung sakaling mapatunayang nagkasala ito.

Sanib-puwersa ang mga biktima ni Dupaya dahil lumantad din ang mga non-showbiz na natangayan diumano ng pera gaya nina Mike Jalandoni, Emma Yan at Susan Ortega.

May trabaho raw sina Dianne Medina at Ketchup Eusebio kaya hindi nakarating. Kaarawan naman daw ni Ara pero willing daw ang tatlo na sumama sa reklamo kay Dupaya.

Kung P40M ang natangay diumano kay Joel, P3M kay Sunshine, P7M kay Susan, P12M kay Emma, milyones din kay Mike at P260,000 na lang kay Ynez.

“Ako ang pinakamaliit pero ako ‘yung nakakapuwing,” deklara ni Ynez. Ang isinisigaw ng mga biktima ay makulong si Dupaya o bayaran silang lahat.

Sey ni Joel, ayaw niyang siya lang ang bayaran, dapat silang lahat.

“Kung bibigyan niya ako ng pera definitely isi-share ko rin sa kanila. Pero sa sakit na naramdaman naming lahat she deserves na siya’y makulong at pagbayaran niya ‘yun ng matagal na panahon,” bulalas ng negosyante.

Idiniin din ni Joel na marami pa ang lalabas at magsasalita. Sinabi rin niya na nag-text daw si Dupaya nu’ng Huwebes na sinasabing may mauutangan daw na bangko at maghintay lamang.

“Hindi ko na siya sinagot kasi ‘yung ganoong sinasabi niya, ginawa na rin niya sa amin ito, just recently lang naghintay ang isang abogado namin sa isang Rural Bank tapos wala ring nangyari,” sambit pa niya.

“Ito po ay ginagawa namin hindi lang makabawi lang ng salapi at makamit ang hustisya kundi para warningan ang ibang tao,” saad naman ni Topacio.

Idinagdag pa ni Topacio na iimbestigahan ang nagpakilala kina Joel at Kathy kung may sabwatang sa nasabing insidente.