Abante Tonite Interactive

300 ang kasado sa pasabong ni Ligon

208

Ikaanim at huling elims round na mamaya ng ‘RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby’ sa air-conditioned Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City na may kasadong 80 sultada.

Sa mga iiskor ng tatlong panalo, pagpapartihan ang day prize na P100,000 para sa araw na ito.

Sa mga gusto pang humabol sa premyong P3.5 milyon, puwede ang straight five cocks sa grand finals sa Marso 28.
Umabot na sa 300 sabungero ang mga naitalang sasabak sa patukang ito ni Roligon CEO Dennis Ligon, na may P11,000 entry fee at P5,500 minimum bet.

Ang 2-cock finals ay sa Mar. 21 para sa may mga 1, 1.5, 2 at 2.5 points taya ang P300,000 sa day champions, at sa Mar. 28 na para sa may 3 points lang.