Abante Tonite
Mabilis sa Balita

300 pamilya binaha sa Cotabato, nilikas

0 48

Inilikas ang may 300 pamilya kasunod ng flashflood at landslides sa South Cotabato dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na may ilang komunidad na nasa mabababang lugar at malapit sa ilog sa Tantangan at Norala ang nalubog sa baha dahil sa habagat.

Nagkaroon din anila ng mga landslides sa Lake Sebu at Tboli.

Sinabi ni Mayor Benjamin Figueroa Jr. na matinding nabaha ang New Iloilo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.