Abante Tonite
Mabilis sa Balita

300 puno pinutol para sa sementeryo

0 341

Pinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pag-develop sa lupang pagtatayuan ng gagawing bagong sementeryo sa Cebu City, dahil sa pagputol sa 300 mahogany tree nang walang kaukulang permit.

Sa isang panayam sa radyo, dumepensa si Councilor Dave Tumulak, nakipag-usap na ito sa DENR at sinabing hindi umano kinokonsidera na endangered specie ang mahogany na pinutol para pagtayuan ng Cebu City Botanical Memorial Garden sa Sitio Katives, Brgy. Guba.

Una nang naiulat na nadagdagan ang bilang ng mga bangkay sa mga morge dahil puno na ang mga funeral home at crematorium, bagama’t hindi naman umano lahat ng mga ito ay nasawi dahil sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.