Abante Tonite
Mabilis sa Balita

300 UPHSD medical front-liners, binakunahan ng Sinovac

0 315

Sinimulan na kahapon ng pamahalaang lokal ng Las Piñas ang kanilang vaccination program na may temang “Ligtas na Las Piñero, Lahat Bakunado” para sa mga residente sa lungsod.

Dakong alas 9:45 ng umaga nang pangunahan nina Las Piñas City Vice-Mayor April Aguilar at Dr. Ma. Paz Corrales, Assistant Regional Director ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) ang simbolikong seremonya ng pagbabakuna para sa 300 medical frontliners sa vaccination site sa University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Gymnasium.

Kabilang sa mga unang nabakunahan ng Sinovac vaccine mula sa China sina Dr. Jose Edzel Tamayo,Medical Affairs Executive Officer ng UPHSD; Elvie Carandang, Finance and Accounting Manager at Neil Jaymalin,Chief of Staff ng unibersidad.

Tinawag ni Dr. Corrales na “COVID-19 influenzer” ng lungsod ang tatlong nangungunang medical frontliner dahil instrumento sila sa pang-iimpluwensiya o paghihikayat sa mga taga-Las Piñas na agad magpabakuna dahil ginto aniya ang bakuna para sa mga may ginintuang puso.

“Ang bakuna po ay isang magandang regalo na ating maibibigay sa mga taga-Las Piñas para sa kanilang kaligtasan ngayong panahon ng pandemya,”ani Vice Mayor Aguilar.

Target ng lokal na pamahalaan sa ilallim ng liderato ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar, na mabakunahan ang lahat ng mga Las Pineros mula sa 500,000 doses na vaccine na binili ng lungsod sa inilaan nitong P250-milyong pondo para sa pagbili ng karagdagang bakuna kontra COVID-19.

Pinasalamatan ng bise-alkalde ang mga ahensya ng pamahalaan na sumusuporta sa lokal na pamahalaan para labanan ang kinakaharap na krisis sa pandemya.

Bukod rito,pinasalamatan din ni Vice Mayor Aguilar ang pamilya Tamayo at ang buong pamunuan ng UPHSD sa pagpapagamit ng kanilang pasilidad upang gawing vaccination site.

Aniya, simula December 2020 hanggang February 2021, isa ang Las Piñas City sa mga lungsod sa Metro Manila na mayroong mababang kaso ng COVID-19 dahil sa mahigpit na implementasyon ng health and safety protocols, maayos at maingat na pagtugon at pangangalaga sa mga nahawa sa sakit sa mga isolation facilities ng lungsod at ang tuluy-tuloy na pagsasagawa ng libreng swab test para sa mga residente.

Nasa kabuuang 1,210 doses ng bakuna ng Sinovac ang ipinagkaloob ng national government para sa pagsisimula ng vaccination program ng lokal na pamahalaan para sa mga medical frontliner ng lungsod.

Unang isinailalim sa ttlong araw na training at orientation ang 13 vaccination team ng lungsod sa vaccination site sa Las Piñas Elementary School Central sa P. Diego Cera ,Barangay Elias Aldana, upang tiyaking masusunod ang wastong proseso at pamantayan na itinakda sa vaccination plan ng Las Piñas City Government dahil nananatiling prayoridad nito ang seguridad sa kalusugan,kaligtasan at kapakana nng mga residente sa lungsod.

Sa kabila ng pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra COVID-19,muling siniguro ng lokal na pamahalaan na hindi ito magpapakampante at mahigpit pa ring ipatutupad ang health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.