Abante Tonite Interactive

300,000 trabaho para sa mga Pinoy binuksan ng China

By
2,768

Pinuri ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang posisyon at aktibong pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte para mas mapalapit ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China na naging daan sa pagbubukas ng 300,000 trabaho para sa mga teachers, musicians, nurses, cooks, household service workers at mga caregiver.

“We are elated that President Duterte has been actively strengthening the relationship between Manila and Beijing through his administration’s policies on business, trade and even the opening of job opportunities in China for thousands of Filipino workers,” pahayag ni Atienza.

Sinabi ng kongresista na nagbubunga na ang pagsisikap ni PDu30 na mapalapit ang PHL sa China na isang econo­mic superpower.

“We have just met with Chinese businessmen who have expressed their renewed confidence in investing in the Philippines now due to the closer relations between our two countries,” sabi ng ­solon.

Sa ilalim ng pangatlong termino ni Atienza bilang alkalde ng lungsod ng Maynila ay sumigla at uminit ang samahan ng Manila at Beijing partikular na sa usapin ng ekonomiya at kultura sa pamamagitan ng nilagdaang Sister-City Agreement noong taong 2005 sa pagitan ng noo’y mayor na si Wang Qishan na kalaunan ay nahalal na Vice President ng People’s Republic of China.

Pero inihayag ng mambabatas na ang relasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay nanlamig sa nagdaang administrasyon.

“It took someone like President Duterte to revive Manila’s close relations with our superpower neighbor. Not only has China been providing military assistance to the Philippines, but it has now opened some 300,000 jobs for teachers, musicians, nurses, cooks, household service workers, and caregi­vers,” ayon kay Atienza.