Abante Tonite
Mabilis sa Balita

300K Pinoy kabado sa Sputnik bakuna

0 34

Halos 300,000 Pilipino na nabigyan ng unang dose ng Sputnik V ang kinakabahan umano na mawalan na ito ng bisa laban sa COVID-19 dahil wala pa rin ang kanilang second dose.

Ayon kay Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, mahigit 12,000 ng kanyang mga constituent ang nabigyan ng unang dose ng Sputnik V at naka-schedule na turukan ng second dose noong Hulyo.

“I suppose this sense of fear, anxiety and uncertainty is shared by the more than 270,000 other Filipinos who had no choice but to take the Russian vaccine because that was the one delivered to vaccination centers like those in Cagayan de Oro by the Department of Health,” ani Rodriguez.

Sumulat na si Rodriguez kina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. upang umapela hinggil dito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.