Abante Tonite
Mabilis sa Balita

302 kahon ng puslit na pork belly nasabat

0 196

Nakumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) ang may 302 kahon ng puslit na pork belly sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay sa Tondo, Maynila.

Ayon kay VIB Director Nick Santos, galing umano ang pork meat sa Germany na nagkakahalagang P1.5 milyon na nakuha sa bahay ni Jonabel Jalimao Factor, sa Jose Abad Santos Ave., Tondo.

Nalaman na may sariling cold storage ang bahay ni Factor para sa 6,040 kilos ng puslit na karne.

Ayon kay Manila Bureau of Permits Director Levi Facundo, sinabi ni Factor na ang kanyang negosyo ay nakarehistro bilang Gou Ren Han Food products.

SM food to go Banner Ad

Ngunit nang beripikahin, nalaman na walang record sa Maynila ang negosyo.

“Wala ‘yung name na yan. Walang record sa name na Gou Ren Han or the name of the wife,” ayon kay Facundo.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang VIB at BPLO. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.