Abante Tonite Interactive

30th SEA Games 2019 eSports bomalabs pa

0 168

Habang papalapit ang ikaapat na pagkakataong pagtataguyod ng bansa sa kada dalawang taong Southeast Asian Games, patuloy na dumarami ang mga katanungan hinggil sa pagsasagawa ng electronic sports o eSports na nakapaloob sa 30th SEA Games 2019.

Kumpirmado na ang pagsasagawa ng anim na event na kabibilangan ng Arena of Valor, DoTA 2, Hearthstone, Mobile Le­gends: Bang Bang, StarCraft II, at Tekken 7 sa SEAG na papailanlang sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Idaraos sa anim na araw ang eSports sa FilOil Flying V Sports Arena sa City of San Juan na kasya ang 5,000 katao.

Abante Hiring – IT dep

Una sa mga mga katanungang madalas natatanggap ng inyong Level Up ay kung sino ang mga manlalaro na kakatawan pa sa ating bansa sa anim na event?

‘Di rin maiwasan na mausisa sa inyong lingkod kung magkakasya ba sa lugar ang milyong katao na nahihilig sa mga nasabing laro, lalo na sa DOTA 2.

Marami pang mga katanungan. Tulad sa kung sino ang mamamahala sa torneo, at kung papayagan bang maglaro ang mga beterano na sa internasyunal na kompetisyon.

Nararapat din ba na payagan ng Games And Amusements Board (GAB) at hingian ng permiso ang namamahala sa pagsasagawa ng SEA Games na PHISGOC, at payagang maglaro ang mga lisensiyadong eSports athletes.

Ilan lamang ang mga katanungan iyan na ‘di na po masasagot dahil mismong ang mga dapat sumagot ay ‘di makapagbigay ng kasagutan sa mga pang-uusisa ko.

Harinawa ay magkaroon ng regular na pagpupulong ang PHISGOC o alinman sa Philippine Olympic C at Philippine Sports Commission upang makapagbigay naman ako ng update sa mga tagasubaybay ng eSports.

***

Paki ni katotong Arnold Cuento na balik-PSC.

Idaraos ang Batch 1979 Gregoria de Jesus Elementary School 1st Grand Reunion 2019 sa GDJES grounds sa Dagupan St., Tondo, Maynila sa darating na Sabado, Setyembre 21.

Para sa iba pang mga detalye, makipag-ugnayan kay Arnold sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila sa pamamagitan ng kanyang mobile 0927 218 7591.