Abante Tonite Interactive

31 artista dagdag kakosa ni Julio

767

Ang mahusay na actor na si Julio Diaz ay kasalukuyang nasa piitan dahil sa kasong tungkol sa pagdrodroga. Ngayon, madadagdagan na ba ang kanyang mga kakosa dahil sa balitang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay may bagong listahan ng mga artistang gumagamit daw?

Ayon sa PDEA payanig, 31 ang nasa magic to win listahan nila. Ang eme ni PDEA Chief Director General Aaron Aquino sa isang newscast, popular at hindi pipitsugin ang nasa kanilang list. Mas marami raw ang artistang bata kesa sa matatanda.

Ang diva that you love, baliw na baliw sa payanig na ito. Bago niyo linisin ang showbiz bakuran, ‘yung mga big time drug lord at pusher ang inyong mga hulihin at ikulong dahil mas marami na talaga silang buhay na mga winasak.
Sobrang atat naman sa publicity ang mga ginoo sa PDEA dahil hindi pa naman yata validated at super confirmed na lulong na lulong nga sa droga ang nasa List 31, pinangangalandakan niyo na agad. Asan ang ebidensya? Ang pagpapatotoo na talaga ngang talamak na adik ang 31 inyong binabanggit?

Abante Hiring – IT dep

Mas maraming dapat asikasuhin, habulin at hulihin kesa sa mga artistang inyong pinagbibin­tangan. Kung talagang may bayag ang mga ginoo sa PDEA, ilantad na ang mga pangalan sa listahan para magkaalaman na kung sino nga ba ang dakila, at kung sino ang totoong baliw at salamangkero?
***

Serye ni Kyline sisibakin na?

Saan kaya galing ang sitsit na ang “Inagaw Na Bituin,” magbababu na nga ba sa ere? Ano ba iyan, hindi ko pa nga nararamdaman na major, major star na si Kyline Alcantara, may mapanirang chika na agad na ganito?

Sa true lang, ni isang episode, wala pa akong napapanood sa “Inagaw.” Ang tanging may inagaw sa titulo na paboritong-paborito ko ay ang “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin,” na pinagsamahan nina Snooky Serna at Maricel Soriano.

Ang isa kong paboritong young actress, si Therese Malvar ay kasali rin sa afternoon prime, hindi ba sapat ang kanyang pagmamaldita bilang kontrabida at brillo bilang aktres para marahuyo ang mga Kapuso sa palabas? Mas ginusto ba talaga nina Aling Ta­cing at Mang Victor na mag-siesta na lamang kaya may ugong na hanggang 10 weeks na lang ito instead of the usual 13-weeks season?

Ang kisig at karisma ni Manolo Pedrosa, hindi umepek sa mga beki parlorista, facialist, manicure at pedicure diva kaya walang extension at iiklian pa nga? Panahon na ba para ipakita ni Pedrosa ang kanyang katawang pangromansa, patigasin ang mga utong, ibuyangyang ang mga kili-kili at maglakad saNmundong ­ibabaw na swimming trunks ang suot alang-a­lang sa ratings?

Hindi naman siguro true ang chika. Kasi kung walang panghalina si Alcantara sa masa, bakit may pelikula pa siyang gagawin with Pedrosa and the millennial bad boy Migo Adecer, ang “Black Lipstick?’

Mas bongga siguro kung “Bala at Lipstick” na lang ni Roderick Paulate ang ginawa nilang remake para mas acting challenge kay Kyline. Hindi ba babaeng-babae siya tapos baklang mai­ngay at maharot ang kanyang bibigyang katauhan? Hahahaha!

Kung sakaling may katotohanan nga ang chikang ito, si Kyline ba ay sadyang tinimbang ngunit kulang pa rin? Maganda at marunong umarte, hindi pa rin sapat? Ano pa kaya ang dapat niyang gawin para ang mga Kapuso, mas lalo siyang mahalin at yakapin?
***

Ex-gf ni James engaged na

Isang malaking the WHO sa diva that you love ang baba­eng itatago nating sa pangalang Ericka Villongco. Takang-taka ako at gusto kong mahibang kung bakit ang daming espasyong binibigay sa ex ni James Reid sa social media at entertainment portals.

Eh ano naman kung engaged na siya? Ang forever is not enough sa pagiging the WHO na si Villongco, ni wala ngang significant body of work na nakapagpabongga sa entertainment industry­ tapos dapat tayong kiligin at matuwa na girl, maaring ikasal na siya?