Abante Tonite
Mabilis sa Balita

31 dinukot na sabungero sampal sa PNP!

0 271

Malaking kahihiyan sa Philippine National Police (PNP) ang pagkabigo nilang maresolba ang kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Ginawa ni Lacson ang pahayag sa simula ng pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs kaugnay sa tumataas na kaso ng mga nawawalang sabungero.

“Thirty-one reported missing persons as of latest count, without any trace apparently, is a big challenge to the PNP and the entire law enforcement community,” sabi ni Lacson.

“Failing to resolve these cases will be a big slap or an embarrassment to the PNP as well,” dagdag ng senador.

Sa pagdinig ay pinuna rin ni Lacson kung bakit walang nakuhang mga CCTV footage hinggil sa pagdukot sa mga sabungero.

“The thing is kung isa o dalawa lang ang nawala pwede natin sabihing personal. Pero 31? And there are common denominators,” ani Lacson.

Tinanong pa ni Lacson si PNP Criminal Investigation and Detection Group chief Gen. Albert Ferro kung ano ang mga nakita nilang pagkakapare-pareho sa insidente ng pagkawala ng mga sabungero.

Tugon ni Ferro na ilan sa mga sabungero ay nagpunta sa sabungan na iisa lang ang may-ari.

Sumang-ayon naman si PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa sinabi ni Lacson na mayroong pattern o pagkakapare-pareho ang mga insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito, hinimok ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa, chairperson ng komite, ang mga awtoridad na doblehin ang kanilang pagsisikap para mailigtas ang mga sabungero.

“I’m urging you to please double time your effort baka may ma-recover pa tayong buhay dito,” ani Dela Rosa.

May mensahe rin si Dela Rosa sa mga sangkot sa pagkawala ng mga sabungero na hindi sila makakapagtago sa batas.

“You can run, but definitely, you cannot hide from the arm of the law,” ani Dela Rosa.

“I just hope na kung buhay pa ‘yung mga kinidnap niyo,tinago ninyo, sana i-release na ninyo para makabalik sa kanilang pamilya,” aniya pa.

Parehong naging PNP chief sina Lacson at Dela Rosa.

Samantala, kinumpirma ng PNP kahapon na 31 na ang nawawalang sabungero matapos na madagdagan ng dalawa pa.

“The additional names came out in the given sworn statements of the relatives of the victims and from those who went and participated with them in a cockfighting event on May 11, 2021, in Sta Cruz, Laguna,” sabi ni Carlos.

Samantala, inilahad ni Carlos na may mga cash withdrawal ng ibat-ibang tao gamit ang ATM account ng nawawalang mga sabungero sa ibat-ibang ATM machine na ngayon ay tinututukan ng CIDG. (Dindo Matining/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.