Abante Tonite
Mabilis sa Balita

31 drug suspect dinampot sa Cavite

0 64

Binitbit ng Cavite Police ang 31 na hinihinalang mga tulak sa isinagawang magdamagang buy-bust operation, gayundin ang mga pasaway sa quarantine protocol, kabilang ang 18 menor de edad.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office kinasa ang operasyon sa pagitan ng alas-10:00 kamakalawa ng umaga hanggang alas-2:45 kahapon ng madaling-araw.

Nanguna ang Rosario at Silang sa may pinakamaraming nahuli na tig-5; habang 4 naman sa Tanza; tig-3 sa Bacoor City, Imus City at General Mariano Alvarez; tig-2 naman sa Trece Martires City, Tagaytay City at Gen Trias City habang tig-1 naman ang Dasmariñas City at Noveleta, pawang sa Cavite.

Samantala, 4 na katao ang binitbit matapos na nahuling nagtutupada kamakakalawa ng umaga sa Brgy. Belvedere Sudb., at Brgy. Paradahan Tanza, habang 18 mga menor de edad ang inimbitahan ng pulisya matapos na nakitang pagala-gala sa lansangan habang umiiral na ang curfew. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.