Abante Tonite
Mabilis sa Balita

31 lugar sa 13 probinsya may ASF – BAI

0 57

Umabot na sa 31 lugar mula sa 13 probinsya ang naitalang may aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI).

Sa isang panayam, sinabi ni BAI Director Reildren Morales na dumarami ang mga lugar na nagkakaroon ng ASF dahil napakatibay diumano ng virus nito.

“Nasa 31 cities, municipalities na ang may active cases, `yong hindi pa fully resolved, hindi pa natatapos doon sa surveillance, we are considering na may mga kaso pa, may mga disease present pa sa mga baboy,” pahayag ni Morales.

Dagdag pa ni Morales na kahit matagal nang walang outbreak sa isang lugar ay posibleng nasa paligid pa rin nito ang virus.

Kasama aniya sa 31 lugar na may kaso ng ASF ang Ilocos region. Subalit kasalukuyan umanong nagsasagawa ng surveillance ang BAI kahit sa mga lugar na walang kaso ng ASF.

“Sa kabuuan, mahigit 400 na po na city, municipality `yong walang reported cases. Itong walang reported cases na ito bina-validate natin, nagko-conduct tayo ng surveillance, nagkukuha tayo ng samples sa loob ng farm na walang lamang baboy,” sabi ni Morales. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.