Abante Tonite Interactive

31 sinagip sa Makati Ihawan ginawang putahan

647

Isa na namang hinihinalang prostitution den na front lang na ihawan at bar ang sina­lakay ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Makati City Police Station Investigation and Detective Management Branch at Women and Children Protection Desk (WCPD) na ikinasagip ng 31 kababaihan nitong Miyerkoles ng gabi na umabot hanggang kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe mg Makati City Police, matagal na nilang sinurveillance ang Ihaw-Ihaw Atbp Bar and Restaurant na nasa No.
1330 Filmore­ St., Brgy. Palanan ng nabanggit na lungsod dahil nagpapa­labas umano ang mga ito ng mga babaeng sumasayaw ng hubo’t hubad at may mga nagaganap na sexual activity.

Nang magpositibo, sinalakay ito dakong alas-11:00 ng gabi kung saan na-rescue ang 31 babaeng nakasuot ng malalaswang damit habang inaresto naman ang 15 kawani ng bar.

Dinakip din ng mga pulis ang 21 Pinoy at tatlong Indonesian national, na pawang mga kostumer ng bar.

Nabatid din ng pulisya na expired na ang business permit ng bar gayundin din ang health working permit ng mga empleyado.

Sa ngayon ay nai-turn over na ng mga awtoridad sa Makati City Business Permit and Licensing Office ng Makati (BPLO) ang kaso sa posibleng pagsasara ng establisimyento habang patuloy itong iniimbestigahan.

Habang ang 31 babaeng na-rescue ay pansamantalang nasa tanggapan ng WPCD ng Makati City Police. ­(Armida Rico)