Abante Tonite
Mabilis sa Balita

32 armado dinampot sa Laguna – Comelec

0 43

Nasa 32 indibiduwal na hinihinalang mga miyembro ng private armed group ang inaresto sa Laguna ilang araw bago ang halalan sa Mayo 9, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na iaanunsyo ng Comelec ang mga aktibidad ng mga inaresto o kung may kinalaman sa halalan sa nasabing probinsya.

“We are hoping that proper charges would be filed, and if this is election-related, likewise, and who are the principals behind these alleged private armed groups,” ani Garcia.

SM food to go Banner Ad

“Masyado po kasing madami, 32 lahat sila,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na mayroong 105 bayan at 15 lungsod na inilagay sa pinakamataas na red category bilang areas of concern ngayong halalan.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.