32 barangay sa Bacolod ‘COVID free’ na

Nasa 32 barangay sa Bacolod City ang deklaradong “COVID free” matapos pumutok ang isyung pagpasok ng mga dayuhan at kaya tumaas ang kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa Negros Occidental.

Nilinaw ni Dr. Chris Sorongon, deputy for medical data and analysis of the Emergency Operations Center-Task Force (EOC-TF) na pang 15-araw na ang kanilang ginagawang pagmo-monitor sa mga barangay at maituturing na ligtas ang Barangay 1-16, 19 at barangay 21-27, 29, 31-38, 41, Felisa at Montevista.
Habang ang Barangay 12, 17, 18, 35 at Singcang-Airport ay nasa monitoring stages pa na posibleng mapabilang na rin sa “COVID free” barangay. (Vick Aquino)