Abante Tonite
Mabilis sa Balita

32 tulak dinakma sa Cavite

0 221

UMABOT sa tatlumpo’t dalawa na mga hinihinalang tulak, kabilang ang isang 17-anyos na menor de edad ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy bust operation sa Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, sa pagitan ng alas-11:00 kamakalawa ng umaga hanggang alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang isinagawa ang buy bust operation sa tatlong Lungsod at at pitong bayan na nagresulta sa pagkakaaresto sa 32 mga hinihinalang tulak.

Nanguna sa pinakamaraming bilang ng dinampot na tulak ang Lungsod ng Bacoor na 11, sumunod ang General Mariano Alvarez (GMA) na 7; sa Imus City (5); tig (2) ang Tanza at Rosario habang tig (1) ang Silang, Alfonso, Mendez, Tagaytay at Ternate.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isinagawang operasyon, isang 17-anyos na menor de edad ang kanilang naaresto nang makipagtransaksiyon ang binatilyo sa isang poseur buyer alas-5:20 kamakalawa ng hapon sa Brgy Sapa, Rosario, Cavite.

Hawak na ng Municipal Social Welfare Development (MSWD) ang menor de edad. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.