Abante Tonite
Mabilis sa Balita

320K nabuntis sa lockdown – NEDA

0 63

Lumobo pa sa 320,000 ang mga unwanted pregnancy o hindi sinasadyang pagbubuntis sa nakalipas na 16 buwan na nakalagay sa quarantine ang bansa dahil sa pandemya ng COVID-19.

Batay ito sa presentasyon na ginawa ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa mga negosyante at iba pang mga opisyal ng gobyerno noong Setyembre 16.

Si Chua rin ang director general ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Gayunman, kahit pa dumami ang mga nabuntis sa panahong nakakulong lang ang mga tao sa kanilang tahanan ay kumonti umano ang mga buntis na nagpapatingin sa doktor para sa prenatal care.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Chua, 61% na lamang ng mga buntis ang nakapagpatingin sa doktor simula ng magkaroon pandemya samantalang 99% ng mga buntis ang pumupunta sa doktor bago manalasa sa bansa ang COVID-19.

Bukod sa mga unwanted pregnancy, problema rin umano ang pagkakabansot o ang pagiging stunted ng mga bata.

Gutom o kakulangan sa pagkain ang karaniwang dahilan kung bakit nababansot o nagiging stunted ang mga bata.

Ayon kay Chua, isa sa bawat tatlong bata na limang taon o mas bata pa ang stunted at isa sa bawat lima ang underweight o kulang sa timbang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.