Abante Tonite
Mabilis sa Balita

320K OFW ligtas na nakauwi

0 119

Napauwi na ng pamahalaan ang halos 320,000 na nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ulat kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration na ang 319,333 OFWs ay naihatid na sa kani-kanilang mga probinsiya noong Sabado, matapos silang ma-clear at nasuring negatibo sa coronavirus.

Sa buwan lang na ito, 38,516 na mga OFW na ang naihatid sa kanilang mga destinasyon.

Sa isang hiwalay na ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) simula noong Linggo, Nobyembre 22, sinabi ni Bello na maraming bilang ng mga OFW na naapektuhan ng COVID ang gumaling na mula sa nabanggit na sakit. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.