Abante Tonite
Mabilis sa Balita

325 apektadong manggagawa sinalba ng Antipolo LGU

0 153

Nabuhayan ng loob ang ilang apektadong mga residente at manggagawa sa Antipolo City, Rizal matapos ang mga itong bahaginan ng tulong ng kanilang lokal na pamahalaan.

Masayang tumanggap ang 325 na benepisyaryo ng cash assistance na P4,000 mula sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program mula sa DOLE na ginanap sa Ynares Center kamakailan.

SM food to go Banner Ad

Nanguna rin si Mayor Andrea ‘Andeng’ Ynares sa pamamahagi ng livelihood assistance sa mga piling beneficiaries na nakatanggap ng Negosyo Package (rice retail at frozen goods package) na nagkakahalaga ng halos P30,000 bawat isang package.

Bukod dito ay nakatanggap din ang ilan sa mga Antipoleño ng cellphone na may kasamang P5,000 load, sapatos at bisekleta mula naman kay Senator Christopher ‘Bong’ Go.

Leave A Reply

Your email address will not be published.