Abante Tonite
Mabilis sa Balita

326 SPED student inayudahan sa Navotas

0 325

Tumanggap ng P1,000 calamity financial assistance ang may 326 na special education (SPED) student na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sinimulan na kahapon ang pamamahagi ng financial assistance, bilang bahagi ng programa ng pamahalaang lokal sa mga special students.

Sa mga nabigyan, 307 dito ang mula sa public elementary schools, lima mula sa high school at 14 mula sa mga state university.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasabay nito, nagsimula na rin ang hiring ng 1,500 na jeepney driver at mga indigent resident para sa cash for work program na galing naman sa Department of Social Welfare and Development.

Ang mga beneficiary na mga estudyante ng SPED ay ang mga nakarehistro sa Person with Disability (PWD) Student Educational Assistance at Scholarship of the City Government.

“Providing and caring for people who are differently-abled, especially children with special needs, is never easy. The pandemic and the long period of community quarantine made it more difficult, health and money-wise,” ani Mayor Tiangco.

Nitong nakalipas na Hunyo, nakatanggap ang mga PWD student P1,500 bilang kanilang allowance mula sa city government. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.