Abante Tonite
Mabilis sa Balita

32K SSS, GSIS pensioner may tig-P20K ayuda

0 288

Mamamahagi ang Employees’ Compensation Commission ng one-time P20,000 ayuda para sa kuwalipikadong mga pensioner ngayong Hunyo.

Sabi ng DOLE nasa 32K pensioner ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang makikinabang sa ayuda at ire-release ito in batches at iki-credit sa kanilang mga accounts simula ngayong Hunyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa DOLE, hindi na kailangang mag-apply ang mga pensioner para sa financial assistance dahil ang pagproseso nito ay pareho lang ng pag proseso ng pension ng ECC.

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order No. 39 na nag-aapruba sa P20,000 ayuda sa mga tumatanggap ng disability pension dahil sa kanilang trabaho o kondisyon sa trabaho o sa mga beneficiary ng mga namatay dahil sa aksidente sa trabaho. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.