Abante Tonite
Mabilis sa Balita

33 agawan sa korona ni Janelle

0 475

NI: ROLDAN CASTRO

Ipapasa ni outgoing Miss Philippines Earth queen Janelle Tee ang kaniyang korona at tungkulin bilang environmental ambassador.

33 na Filipina candidates mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at maging sa abroad ang magpapakitang-gilas para makuha ang titulo at siyang magiging kandidata ng Pilipinas sa Miss Earth international competition.

Ngayong Linggo (Hulyo 5), 10 AM mapapanood sa GMA Network ang virtual coronation ng ‘Miss Philippines Earth 2020.’

Magiging online ang kompetisyon para koronahan ang susunod na beauty queen na mag-uuwi ng titulo.

Bunsod ng kasalukuyang sitwasyon, kinailangang mag-adjust ng produksiyon at gawin itong online para sa kaligtasan ng lahat at upang sumunod sa social distancing guidelines at safety protocols na ipinatupad ng gobyerno. Sa kabila nito, nais pa rin nilang maisakatuparan ang adhikaing ipagpatuloy ang adbokasiya para sa environmental care at protection. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.