Abante Tonite
Mabilis sa Balita

33 dinakma sa droga

0 73

Tatlong menor de edad, tatlong babae, at isang senior citizen ang kabilang sa 33 hinihinalang tulak na dinampot ng Cavite Police sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation, Martes ng madaling-araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-6:00 Lunes ng umaga hanggang alas-2:30 kahapon ng madaling-araw sila nagsagawa ng buy-bust sa limang lungsod at limang bayan sa nasabing lalawigan.

Nanguna sa pinakamaraming bilang ng mga naarestong umano’y tulak ang Lungsod ng Dasmariñas sa bilang na pito. Sumunod ang Cavite City sa anim habang tig-lima sa Gen. Trias City at Tanza.

Tatlo naman ang dinakip sa Rosario; tig-dalawa sa Bacoor City at General Mariano Alvarez; habang ang Alfonso, Maragondon at Trece Martires City ay tig-iisa.

Sa nasabing operasyon, tatlong menor de edad na may edad 15 at 16, ay naaresto sa Cavite City at Gen. Trias. Ang tatlong babae ay pinosasan sa Cavite City, Bacoor City at Dasmarinas City habang nagmula sa Bacoor ang senior citizen. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.