Abante Tonite
Mabilis sa Balita

339 medtech cop tutulong sa mga ospital

0 201

Aabot sa 339 pulis na nakapagtapos ng kursong may kaugnayan sa medisina ang nakatakdang i-deploy sa mga ospital para tumulong sa health worker na gamutin ang mga COVID-19 patient.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Admin Support to COVID-19 Operations Task Force Commander Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, bibigyan muna ng briefings sa ilalim ng health services bago isalang sa iba’t ibang ospital.

Plano rin umano na mag-donate ng dugo ang mga magboboluntaryong pulis na naka-recover sa sakit na COVID-19 para gamiting plasma therapy ng mga pasyente na tinamaan din ng virus. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.