Abante Tonite Interactive

33rd Anniv. 4-Cock Derby sa Pasay nina Dy, Antonio

270

Hatid ng Pasay City Cockpit kasama ang Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ang dalawang bigtime cockfests umpisa sa “EMB 5-Cock Derby” sa June 28.

Pakahig ito ng EMB group ng Laguna at suportado ni veteran llamador Jerald Picazo. Itinakda sa P33,000 ang entry fee at dapat ipasa ang entries sa Huwebes, June 27.

Patok din sa Pasay Cockpit sa pangunguna nina sportsman Joey Dy at sabong idol Patrick Antonio ang “33rd Anniversary 4-Cock Derby” sa July 5.

Kampeon noong Biyernes sa 4-cock derby sina Ronnel Pasia ng Team Sagupaan gamit ang matibay na Alabama Sweaters (PBGF Oct. 29 Darasa B -50) at Eric dela Rosa (Pitmasters Cup Sept. 19 – Oct. 4 ).

Sa PCC rin ang bitaw ng 2019 ‘early bird’ stagfighting na may 300 entries ng “Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby” sa July 12, 19, 22 and 26.

May elimination rounds din sa ibang Luzon venues gaya ng Lucena Cockpit Arena (July 27 at Aug. 12), Balagtas Coliseum Batangas (Aug. 8) at Metro Darasa Cockpit (Aug. 11).

Sa detalye pa, makipag-uganayan kina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939–4724206, 843-1746 at 816 -6750. (Enjel Manato)