Abante Tonite
Mabilis sa Balita

34 magulang arestado sa mga pasaway na anak

0 249

Damay pati ang 34 na magulang matapos hulihin ang mga ito matapos lumabag ang kanilang mga anak na sa health protocol sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang pag-aresto sa mga magulang ay parusa sa bigong pagbantay sa kanilang mga anak na nagpasaway sa curfew at hindi pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar.

“To prove to you na lahat ng pangungusap ay may tuldok, kanina sinimilan na naming, nagpakulong na kami ng mga magulang,” ayon kay Moreno.

Saad ng akalde, tapos na siya sa pagbibigay ng warning at talagang tutuluyan ang mga magulang na makulong sa selda kapag patuloy pa ang paghuli sa mga menor de edad na lumalabag sa city ordinance.

Kakasuhan ng paglabag sa City Ordinance no. 8243 o Anti-Child Endangerment Act at mandatory reporting of notifiable disease law ang mga nadakip na mga magulang sa operasyon na ginawa ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD SMaRT) kasama ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa siyam na barangay sa lungsod.

“Marami ngayong magulang o nanay nahaharap sa piskalya dahil pafa-file-an po namin sila ng kaso, habang wala silang pampiyansa, sad to say, they will stay in jail in violation of this ordinance,” giit ni Moreno. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.