Abante Tonite Interactive

34 milyong single sa Pilipinas ‘di pinaniniwalaan

192

Hindi pinaniniwalaan ng mga netizen na may 34 milyon na Pilipinong single.

Ilang netizen ang nagbigay ng reaksiyon na marahil kaya single ay mga walang record ng pagpapakasal.

Ayon kay Nil Nolado, malamang na hindi lang kasal pero may ka- live in at kinakasama.

Ayon sa survey ng Social Weather Station, may 18.8 mil­yon ang single na lalaki habang 15.9 milyon naman ang mga babae.

Sinabi rin ng mga netizen na misleading ang nabanggit na survey dahil hindi isinama rito ang single na may asawa at LGBT. (Juliet de Loza-Cudia)