Abante Tonite
Mabilis sa Balita

34 sugarol dinakma sa QC

0 53

Umabot sa 34 katao ang dinakma ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang anti-illegal gambling operation.

Ayon kay QCPD director Brig. Gen. Antonio Yarra, kabilang sa naaresto ang 11 suspek sa illegal number games habang anim ang nadakip dahil sa card games.

Nasa 17 suspek naman ang naaresto sa iba pang uri ng illegal gambling katulad ng tupada gamit ang online sabong.

SM food to go Banner Ad

Isinagawa umano ang magkakahiwalay na operasyon sa pagitan ng alas-kuwatro ng hapon noong Oktubre Oktubre 1 hanggang alas-4:45 ng hapon nitong Oktubre 3.

Nabatid na ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng iba’t ibang istasyon ng pulisya na nakaaresto sa kanila at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o illegal gambling sa Quezon City Prosecutor’s Office.

May naarestong menor de edad na ibibigay naman sa kustodiya ng Quezon City Social Services Development Department. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.