Abante Tonite Interactive

345K shabu nakumpiska sa Batangas

By
1,934

Mahigit na P340,000.00 na halaga ng shabu ang nakum­piska sa isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Baywalk, Brgy. 4, Balayan, Batangas kamakalawa nang hapon.

Ayon kay Police Senior Inspector Hazel Luma-Ang Suarez, PIO ng Batangas Police provincial office, bandang alas-sais nang gabi nang isagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Provincial Intelligence Branch, Balayan Municipal Police at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – PRO4A ang operasyon laban sa suspek na si Norberto Andres Abeleda Villena Jr., alyas ‘Cobra’, 50-anyos.

Nakumpiska dito ang dalawang sachet ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo at tinatayang may street value na P344,500.00.

Nakakulong na ang suspek Balayan police.