Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3,468 lumabag sa Navotas lockdown

0 217

Dinampot ng mga awtoridad ang nasa 3,468 katao sa Navotas dahil sa hindi pagsunod sa mga protocol kasabaay ng pagsasailalim ng lungsod sa lockdown.

Nasa ikapitong araw pa lang ng city-wide lockdown nang lumobo ang mga lumalabag dito. Sa nasabing bilang, 3,285 ang pawang nasa hustong gulang at 183 menor de edad. Kadalasan sa mga naaresto ay ang hindi nagsuot ng face mask, hindi sumusunod sa social distancing at sa curfew.

Sa pinakahuling datos ng pamahalaang lungsod may 625 active COVID-19 cases ang Navotas City. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.