Abante Tonite
Mabilis sa Balita

349 dinampot sa Navotas lockdown

0 230

Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng kapulisan sa sa Navotas City, 349 katao ang hinuli dahil sa paglabag sa dalawang araw pa lamang na 14 day city-wide lockdown.

Sa isinumiteng ulat kay Mayor Toby Tiangco ang nasabing bilang na nahuli ay ang lumabag sa hindi tamang pagsusuot ng facemask, 1 hanggang 2 metrong social distancing at 24 oras na curfew sa mga kabataan.

Ang mga magulang ang magmumulta sa mga anak nilang menor-de-edad na mahuhuli.

Magtatapos ang lockdown sa Hulyo 29 na ginawa makaraang maitala ang paglobo ng mga nagpopositibo sa COVID-19. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.