Abante Tonite
Mabilis sa Balita

35 aso, pusa, ibon nalitson sa bahay ng breeder

0 253

Patay ang nasa 35 alagang hayop ng isang matandang pet owner matapos masunog ang kanyang bahay at madamay ang dalawa pang kapitbahay, Sabado ng tanghali sa Baltazar St., Barangay 69 Caloocan City.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Officer 1 Cathy Mendoza, nagsimula ang apoy sa kusina ni Mrs. Naomi Zulueta, nasa 50-anyos, na nag-aalaga at nagbi-breed ng aso, pusa at ibon.

Batay sa imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang apoy alas-12:03 Sabado ng tanghali. Umabot sa 2nd alarm ang sunog at nag-fire out bandang ala-1:24 ng hapon.

Nakalimutan diumano ni Zulueta na may niluluto siya. Bukod sa alagang 20 aso, limang pusa at limang pares ng love birds ni Zulueta ay nadamay sa sunog ang dalawa pang bahay.

Wala namang naiulat na nasugatan kung saan umaabot sa mahigit P100K ang pinsala.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang pinagmulan ng apoy. (Vick Aquino/IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.