Abante Tonite
Mabilis sa Balita

35 dinampot sa sugal, sabong

0 207

Tatlumpu’t limang sugarol ang nalambat ng pulisya sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng Bulacan PNP makaraang mahuli na aktong nagtutupada, tong-its at bingo sa Bulacan kamakalawa.

Base sa report kay P/Col Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, 25 sa nadakip ay nahuli sa iligal na sabong ng mga operatiba ng Balagtas, Bocaue, Dona Remedios Trinidad (DRT), Norzagaray at San Rafael habang pitong katao ang nahuling nagtotong-its at tatlo ang nagbi-bingo.

Sunod-sunod na nagsagawa ng raid ang pulisya sa Barangay Borol 1st, Balagtas; Barangay Batia, Bocaue; Barangay Tukod, San Rafal,Barangay Pulong Sampalok, DRT at Barangay Minuyan, Norzagaray at nasakote ang 25 sabungero at marekober sa kanila ang P12,710 cash bet, dalawang patay na tinale at 13 panabong na manok.

Samantala, pitong katao naman ang nabulaga ng Bocaue police ng maaktuhang nagto-tongits sa Barangay Lolomboy, Bocaue.

Nakilala ang mga itong sina Alex Policarpio, Angelica Pantaleon, Rosita Hipolito, Teresita Mejares, Maricel Comlido, Rolando Martines at Rolly Tamblique na nakumpiskahan ng 2 sets ng playing card, at P2,090 cash.

Tatlong katao naman ang nakorner habang nagbi-bingo sa Barangay Matictic, Norzagaray at nakumpiskahan ng gambling paraphernalia at pawang nakakulong ngayon. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.