Abante Tonite
Mabilis sa Balita

35 pasaway sa bike lane tiniketan

0 252

Tatlumput limang motorista ang inisyuhan ng tiket dahil sa iba’t ibang paglabag sa pagdaan sa mga bike lane sa Quezon City noong Miyerkoles.

Ayon kay Col. Wilson Doromal, regional director ng Highway Patrol Group (HPG) sa National Capital Region, sa bilang na ito, 19 na sasakyan ang tiniketan dahil sa pagparada sa bike lane.

Tatlong motorsiklo naman ang hinuli dahil sa pagdaan sa bike lane at apat na tricycle ang sinita matapos bumiyahe sa highway. Siyam na motorist naman ang hinuli dahil sa sobrang pasahero sa loob ng kanilang sasakyan.

Bukod sa pagbabantay sa mga bike lane, umiikot din ang HPG para mag-inspeksiyon sa mga bus kung sumusunod ang mga ito sa safety protocol tulad ng tamang distansiya sa pagitan ng mga pasahero. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.