Abante Tonite Interactive

35 pirasong ‘rifle parts’ nasabat

0 201

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may 35 pirasong ‘rifle parts’ isang Glock pistol, apat na pirasong magazine at 92 pirasong live ammo na nakaimbak sa loob ng DHL customs bonded warehouse sa Pasay City.

Sa isang press conference na ginanap sa NAIA customs house, iniharap si Airport district collector Carmelita Talusan sa media ang kontrabando na nadiskubre sa loob ng bodega ng DHL sa Andrews Avenue malapit sa NAIA Terminal 3.

Ayon kay Talusan, ang mga sparepart ng baril ay nagmula sa Hong Kong na idineklarang general merchandise habang ang Glock pistol at mga bala ay water pump. (Otto Osorio)