Abante Tonite
Mabilis sa Balita

350 preso, tauhan ng BuCor sapul ng virus

0 322

Umabot umano sa 350 ang bilang ng mga preso at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na tinamaan ng COVID-19 simula nang ideklara ang pandemya noong Marso.

Ayon kay BuCor spokesperson Gabriel Chacllag, 260 rito ay mga persons deprived of liberty (PDL) at 90 naman ang tauhan ng pasilidad.

Gumaling na aniya ang mahigit 200 na PDL, ang ilan ay nasa isolation site ng BuCor habang 21 na ang namatay kabilang ang mga high-profile inmates.

Dagdag niya, maayos na ang kalagayan ng 87 nilang tauhan habang naka-home quarantine pa ang tatlo. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.