Abante Tonite
Mabilis sa Balita

350K overstaying Pinoy sa US palalayasin

0 228

Nasa 350,000 Pilipino na overstaying sa Amerika ang nahaharap sa deportasyon, ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

“They’re in court right now, deportation court,” sabi ni Romualdez sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkoles.

Tiniyak naman ni Romualdez na sa kabila nito ay nananatili aniyang maganda ang imahe ng Filipino community sa Amerika.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are known as good workers and so, quite honestly, both Democrats and the Republicans have been very kind to a certain extent to Filipinos,” pahayag ng ambassador.

Konti rin lang aniya ang mga Pinoy na nasasangkot sa krimen sa Amerika.

Ipinagmalaki rin ni Romualdez na maraming Pinoy sa Amerika ang frontliner sa COVID-19 pandemya doon.

Ikinuwento pa ni Romualdez na kapag nakakausap umano niya ang mga senador sa Estados Unidos, Democrats man o Republicans, ay iisa pareho ang sinasabi ng mga ito sa kanya na gusto nila ang Filipino community sa US. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.