Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3,550 bagong nagpositibo sa COVID

0 49

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 3,550 katao na bagong nagpositibo sa COVID-19 hanggang nitong alas-kuwatro ng hapon ng Miyerkoles.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 186, umabot na sa 272,934 ang kabuoang bilang ng nagpositibo sa virus.

Kasabay nito, nakapagtala rin ng 524 bagong nakarekober kaya umabot na sa 207,858 ang gumaling sa COVID.

Samantala, sa iniulat na 3,550 mga bagong kaso ay 2,984 (84%) ang naipon sa loob ng 14 na araw mula Setyembre 3 hanggang Setyembre 16, 2020.

Naitala rin sa National Capital Region ang pinakamataas pa rin na kaso ng COVID na 1,168 kasunod ang Region 4A, 808, at Region 3, 333.

Nakapagtala naman ng 69 nasawi kaya umabot na sa 4,732 ang kabuuang bilang ng namatay sa COVID.

Nabatid na may 23 kaso rin ang inalis dahil sa duplikasyon kung saan siyam na unang iniulat na nakarekober ay namatay pala base sa final validation.

Pitong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) noong Setyembre 15.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.