Abante Tonite
Mabilis sa Balita

36 Badjao sinagip ng NBI sa sindikato

0 96

SINAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pampanga ang aabot sa 36 Badjao, kung saan 12 ang bata, na ginagamit umano ng mga sindikato sa kanilang pamamalimos.

Ang mga tauhan ng NBI-Anti Human Trafficking Division ang nanguna sa operasyon sa Apalit.

Agad namang naaresto ang handler ng mga bata at ibang Badjao, na hindi na muna pinangalanan.

SM food to go Banner Ad

Sinasabing may recruiter ang grupo na nagtungo sa Zamboanga para hikayatin ang mga Badjao na sumama sa Maynila para mamalimos. Sa eroplano isinakay ang mga ito para hindi masita.

Maghahati naman ang mga Badjao at sindikato sa kita sa pamamalimos bukod sa bayad nila sa renta sa tirahan.

Sasampanahan ng kasong paglabag sa anti-trafficking of human ang nahuling handler habang pauuwiin naman sa Zamboanga ang mga biktima pagtapos ng kanilang quarantine period. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.