Abante Tonite
Mabilis sa Balita

36 kalsada, paralisado pa kay `Ulysses’

0 194

Ilan pa ring kalsada sa bansa ang sarado dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses, ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa abisong inilabas ng kagawaran nang alas 6:00 ng Linggo ng umaga (November 15), nasa 36 kalsada ang hindi pa maaaring daanan ng mga motorista.

Ito’y dahil sa nangyaring pagguho ng lupa, mudflow, debris flow, natumbang puno at baha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng bagyo.

Sa 36 na kalsada, walo rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), isa sa Region 1, 13 sa Region 2, anim sa Region 3, apat sa CALABARZON, tatlo sa Region 5 at isa sa Region 8.

Bukod dito, apat pang kalsada ang may limitadong access; tig-iisa sa CAR, Regions 2, 3 at 5. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.