Abante Tonite
Mabilis sa Balita

36 nawawalang marino ‘di na pinasuweldo

0 464

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tinigil na ng may-ari ng barkong Gulf Livestock 1 ang pagbabayad ng suweldo ng 36 nawawalang marinong Pilipino.

“Yung may-ari ng barko, mula nung mawala na yung barko, ayaw na magbigay ng sweldo…Hangga’t walang competent authority na nagsasabi na wala na ‘yung barko, ‘yung mga seafarers are still entitled to the continuation of their allotment, kailangan bayaran pa rin sila,” giit ng kalihim.

“Kung hindi papayag ‘yung owner, ang kukunin natin ‘yung manning agency,” dagdag nito.

Ang naturang barko ay nawawala at iniulat na tumaob noong Setyembre 3 sa East China Sea patungo sa China mula sa New Zealand dahil sa bagyo. Dala nito ang 43 mga tauhan ng tripulante – 39 ay Pilipino, apat naman ang mula sa New Zealand at Australia.

Nailigtas ng Japanese Coast Guard ang dalawang Pinoy habang isang bangkay ang narekober. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.